Gospel Sufficiency: The Message of Colossians

Pauline Epistles  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 87 views
Notes
Transcript
Handout
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
View more →

Issue: Dinaragdagan si Cristo na para bang may kulang pa (2:4, 8, 16-19).

Pagkatapos ng isang buwan na break natin sa series ng overview ng mga sulat ni apostle Paul, magreresume tayo ngayon at pag-aaralan ang Colossians. Bakit nga ba natin ginagawa ang ganitong overview sermons? Yung ilang verses nga mahirap nang pag-aralan, paano pa kung isang buong letter ni Paul! Una, para ma-encourage kayo na basahin n’yo ang Bible. Salita ‘yan ng Diyos! Ikalawa, para matulungan kayo at masanay kung paano babasahin at iintindihan yung mga letters ni Paul. Mahalaga kasi alam ninyo ang historical background nito, yung konteksto nito, at yung orihinal na mensahe nito para sa sinulatan niya. Sa ganung paraan, mas maririnig nating mabuti kung ano ang mensahe ng Diyos para sa atin ngayon.
Yun kasing mga issues na kinahaharap natin ngayon ay similar din (hindi man siyempre eksaktong-eksakto) sa mga issues na kinahaharap nila noon. Although may mga specific situations na ina-address si Paul sa mga letters niya, pero intended din ito na maging “circular” letter, o yung basahin din sa ibang churches. Sabi ni Paul sa dulo ng sulat niya, “Pagkabasa ninyo ng sulat na ito, ipabasa rin ninyo ito sa iglesya sa Laodicea. Basahin din ninyo ang sulat kong manggagaling doon” (Col. 4:16 MBB). Bilang pastor ninyo, babasahin ko ang sulat na ito at ituturo sa inyo. Basahin din ninyo, pag-aralang mabuti kung ano ang gustong sabihin ng Diyos sa atin dito, at ituro ito sa iba.
Bilang isang church, we disciple one another with the word of God. “Ang salita ni Cristo’y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan” (3:16 MBB). Kaya nag-aaral tayo ng Heidelberg Catechism bago ang worship service, at ang mga bata naman ay New City Catechism. Kaya meron tayong public reading of the Scripture. Kaya inaawit natin ang salita ng Diyos sa isa’t isa. Kaya ang mga elders ay nagpe-pray na saturated ng Word of God. Kaya pag-uusapan natin ang salita ng Diyos sa loob ng bahay, sa mga discipleship groups, sa mga grace community gatherings.“Let the word of Christ dwell in you richly.”
Kailangang ma-saturate ng salita ng Diyos ang church natin. Sobrang exposed tayo sa mga iba’t ibang teachings na nakakalat na hindi consistent sa gospel. Sa social media ang daming ganyan! Kung hindi tayo maingat, madali tayong mapapaniwala. Tulad ng issue dito sa Colossae, isang maliit na church sa isang maliit na bayan lang na matatagpuan sa present-day Turkey (although wala na yang lugar na ‘yan ngayon). Hindi pa naman nakakarating dito si Paul. Pero si Epaphras malamang ang nagdala ng gospel dito at siya namang nagbalita kay Paul ng tungkol sa kanila, kasama itong mga issues na kinahaharap nila. Kaya sumulat si Paul sa kanila, habang nakakulong din siya marahil sa Rome 60 AD (4:10, 18). Dito rin niya isinulat ang Ephesians at Philippians.
Ano’ng issue naman dito sa Colossians? Hindi natin alam eksakto, pero may mga clues na makikita tayo sa chapter 2.
“Sinasabi ko ito upang hindi kayo mailigaw ninuman sa pamamagitan ng mga mapang-akit na pananalita” (2:4). Posible na meron silang mga naririnig na katuruan na magandang pakinggan at attractive sa kanila.
“Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhang karunungan at pandaraya na ayon sa mga tradisyon ng mga tao at mga alituntunin ng mundong ito, at ang mga ito ay hindi ayon kay Cristo” (2:8). Kung pakikinggan mo, parang tama naman, parang wais. Pero sabi ni Paul, “walang kabuluhan at pandaraya.” Hindi ayon sa salita ng Diyos.
Pero ayon lang sa tradisyon ng tao. “Kaya’t huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga (Sabbath). Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito. Huwag kayong magpapatangay sa mga nagpapakita ng maling pagpapakumbaba at sumasamba sa mga anghel. Ipinagmamalaki nilang sila'y nakakahigit sa inyo dahil sa kanilang mga pangitain. Ngunit ang totoo, nagyayabang lamang sila dala ng kanilang isipang makalaman. Hindi sila nagpapasakop kay Cristo na siyang ulo at may kapangyarihan sa buong katawan. Nakaugnay sa kanya ang mga bahagi nito sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid. Siya ang nangangalaga at nagpapaunlad sa buong katawan ayon sa pag-unlad na ninanais ng Diyos” (3:16-19).
We are not exactly sure sa nature ng false teachings dito. Merong impluwensiya ng false “wisdom” ng mga Greeks at meron ding galing sa Jewish influence tungkol sa mga rituals and ceremonies. Di man natin lubos na maunawaan kung ano ang problema nila, mahalaga na makita natin na ang ugat ng problemang ito ay dahil ito ay “hindi ayon kay Cristo” (2:8). Hindi man itinatanggi si Cristo, pero parang dinaragdagan si Cristo na para bang kulang pa si Cristo at ang ginawa niya sa krus para sa atin. Bakit ka nga magfofocus sa “anino” kung si Cristo na ang “katuparan ng lahat ng ito” (2:17). Hindi mapapabuti ang Kristiyano at isang church kung nakahiwalay kay Cristo, isang katawan na “not holding fast the head” (2:19). Kung hiwalay kasi kay Cristo, para tayong sanga na nakahiwalay sa puno. Sabi nga ni Cristo, “Apart from me you can do nothing” (John 15:5). Walang bunga, o yung akala nating bunga hindi pala, pero hindi naman pala “paglagong mula sa Diyos” (2:19 ASD). Hindi yung busy lang tayo, masaya lang tayo, parang okay naman tayo. Pero lumalago ba talaga tayo kay Cristo? Nagiging katulad ni Cristo? At ipinamumuhay ang buhay natin para kay Cristo?
Hindi pwede sa buhay Kristiyano na nakahiwalay kay Cristo. Hindi rin pwede na nakakonekta ka nga kay Cristo pero dinadagdagan mo pa si Cristo ng kung anu-ano na para bang kulang pa si Cristo.
Sa ganitong isyu sa Colosas, paano ito in-address ni Pablo? At ano ang matututunan natin sa approach niya in dealing with similar problems sa church natin ngayon?

Pastoral Approach: The Ministry of the Gospel (1:3-12; 1:24-2:5)

1. Pasasalamat

Typical sa mga sulat ni Pablo ang meron thanksgiving and prayer section sa simula tulad dito sa Colossians 1:3-12. Sa 1:3-8 ay yung kanyang pasasalamat sa Diyos sa mga naririnig niya kay Epaphras tungkol sa kanila (v. 8). Yes, merong problema na kailangang i-address. Merong mga needs na kailangang ipagpray. Pero kapag nagpapasalamat tayo, we recognized na yung gospel (“the word of the truth,” v. 5; “the grace of God in truth,” v. 6) ay merong bunga (“bearing fruit and increasing,” v. 6) sa buhay ng mga church members. Ano yung bunga na ipinagpapasalamat ni Pablo sa kanila? “Your faith in Christ Jesus and of the love that you have for all the saints” (v. 4); “your love in the Spirit” (v. 8).
Pwede akong mag-rant o magreklamo nang magreklamo kung puro problema ang nakikita ko sa church, at kung magfofocus ako sa mga nawawala sa church. Pero kung nakikita ko ang bunga ang gospel preaching and gospel ministry sa church, nag-uumapaw ang puso ko sa kagalakan at pasasalamat sa Diyos. Yung pananampalataya n’yo sa kabila ng marami n’yong napagdaanan at pinagdadaanan ngayon. Yung love ninyo para sa church, yung overflow of generosity sa giving, yung concern sa mga members na nangangailangan, yung time and effort na ineexert ninyo to reach out sa mga nawawala at nanghihina. I really thank the Lord for you.

2. Panalangin

Ang ikalawa naman ay prayer na siyang habit ni Paul para sa kanila, “Tuwing ipinapanalangin namin kayo” (v. 3); “we have not ceased to pray for you” (v. 9). Ano ang ipinagpepray niya para sa kanila? And this is also the prayer of your elders for you. Una, mas malalim na pagkakilala sa Diyos na magdudulot ng mabuting gawa.
Kaya't mula nang araw na aming marinig ito, hindi kami tumigil ng pananalangin para sa inyo at sa paghiling na kayo'y punuin ng kaalaman ng kanyang kalooban sa buong karunungan at pagkaunawang espirituwal, upang kayo'y lumakad nang nararapat sa Panginoon, na lubos na nakakalugod sa kanya, namumunga sa bawat gawang mabuti, at lumalago sa pagkakilala sa Diyos. (vv. 9-10 AB)
Ikalawa, kalakasan para sa pagtitiis. “Nawa'y palakasin kayo sa buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kanyang kaluwalhatian, para sa lahat ng katatagan at pagtitiyaga na may galak” (v. 11 AB).
Ikatlo, nagpapasalamat sa kabila ng hirap na pinagdaraanan. “...na nagpapasalamat sa Ama, na ginawa niya tayong karapat-dapat na makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan” (v. 12 AB).
Ito yung reason bakit mga elders ang nagli-lead ng mga prayers sa Sunday worship natin. Ito yung commitment rin naming mga elders to pray for every member of this church tulad ng prayers ni Paul. Hindi dapat mapabayaan ang prayer. Ganito rin ang ginagawa ni Epaphras na marahil ay isa sa mga pastor nila, “na isa sa inyo, na alipin ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap para sa inyo sa kanyang pananalangin, upang kayo'y tumayong sakdal at lubos na nakakatiyak sa lahat ng kalooban ng Diyos” (4:12 AB). Ganito rin ang commitment ng mga apostol, “We will devote ourselves to prayer and to the ministry of the word” (Acts 6:4).

3. Pagtuturo

Ministry of the word ‘yang pagtuturo. Yung “ministry” doon ay galing sa Greek na diakonos, na siyang ginagamit natin sa mga “deacons.” Pero dito ay tumutukoy ito sa ministeryo ng mga apostol tulad ni Paul: “Akong si Pablo ay naging ministro (diakonos) ng ebanghelyong ito” (1:23 AB); “Ako'y naging ministro (diakonos) nito, ayon sa katungkulang ipinagkatiwala ng Diyos sa akin para sa inyo, upang lubos na maipahayag ang salita ng Diyos” (1:25 AB). Itong pagtuturo ng salita ng Diyos ang siyang pangunahing tungkulin din na iniatas particularly sa mga elders ng church (although not exclusively, pero we take the lead in preaching the word). Tinatawag ito ni Pablo na isang “hiwaga” (vv. 26, 27) hindi dahil mahiwaga na imposibleng maintindihan na para bang isang code na kailangan mong i-decipher para makuha yung meaning. Posibleng maintindihan dahil ito ay “inihayag (revealed)…Niloob ng Diyos na ihayag (to make known)” (v. 27). Ano yung ihinayag ng Diyos na dapat ding ihawag ng bawat preacher sa kanilang preaching? Walang ibang kundi si Cristo—“Christ in you, the hope of glory. Him we proclaim, warning everyone and teaching everyone with all wisdom, that we may present everyone mature in Christ” (vv. 27-28). Paano ka magmamature in Christ kung hindi mo nakikita nang malinaw kung sino si Cristo? Paano mo siya makikita nang malinaw kung hindi siya ang ipinapangaral sa pulpitong ito?

4. Paghihirap

Babalikan ko itong bahaging ito ng pastoral ministry sa dulo.

Summary of Colossians (2:9-10; 3:10-11)

Pero ngayon tingnan muna natin kung paanong itong approach ni Pablo sa pagtuturo ng salita ng Diyos na nakasentro kay Cristo ay kitang-kita sa pagkakalatag ng sulat niya sa Colosas. Sa simpleng pagkakahati ng body of letter niya, kung tatanggalin yung mga naunang greetings (1:1-2) at thanksgiving and prayer (1:3-12) at yung panghuling mga greetings (4:10-18), meron itong dalawang major sections. Yung una ay yung mga katotohanan tungkol kay Cristo at sa gospel (gospel indicatives), tungkol sa kahigitan at kasapatan ni Cristo, sa chapters 1-2. Halimbawa, sa 2:9-10, “Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo sa kanyang pagiging tao. Kaya't nalubos ang inyong buhay sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa kanya, na siyang nakakasakop sa lahat ng kapangyarihan at pamamahala” (MBB). Sa second section naman, chapters 3-4, ay yung mga utos kung paano ipamuhay ang isang bagong buhay na nakay Cristo (gospel imperatives). Nakakabit pa rin kay Cristo, “Si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya’y nasa inyong lahat” (3:11 MBB).
Heto ang maikling summary ng gustong ituro ni Paul sa kanila:
Wala nang hihigit pa kay Cristo (chapter 1). Dahil wala nang hihigit pa kay Cristo, siya ay sapat para sa lahat (chapter 2). At dahil si Cristo ay higit sa lahat at sapat para sa lahat, dapat nating patayin ang anumang natitira pang kasalanan sa buhay natin, bihisan ang sarili natin ng mga katangiang tulad ni Cristo, para maging maayos ang relasyon natin sa isa’t isa sa church, sa kapamilya, sa katrabaho, at para makilala si Jesus ng maraming tao (chapters 3-4).

Gospel Indicatives: The Supremacy and Sufficiency of Christ (1:13-2:23)

Ang unang dalawang chapters, at siyang dapat na ipaalala sa atin ng paulit-ulit, ay yung tungkol sa kahigitan ni Cristo, kasapatan ng ginawa niya, at yung bagong identity na meron tayo sa pakikipag-isa natin kay Cristo.

1. Ang Kahigitan ni Cristo sa Lahat (1:15-20)

Kontra ito sa itinuturo ng mga Arians noong early part ng church history na si Jesus ay isa lamang sa mga nilalang ng Diyos, bagamat siya ang pinaka-exalted sa lahat ng mga created beings, pero created pa rin. At ganito rin kababa ang turo tungkol kay Cristo ng Iglesia ni Cristo, ng mga Mormons, at ng Jehovah’s Witnesses. Nagiging mababa rin ang tingin natin kay Cristo kung sa pagtingin at pagpapahalaga natin ay may nakahihigit pa sa kanya.
Ang tao ay nilikha sa larawan ng Diyos. Pero “si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha” (1:15 MBB). Larawan si Cristo ng Diyos na hindi tulad ng sa tao. Dahil kay Cristo makikita mismo ang pagka-Diyos ng Diyos. Panganay o firstborn siya hindi dahil siya ang unang nilikha, kundi metaphor yun na tumutukoy sa kanyang pagiging higit na dakila kaysa sa lahat ng nilikha. Hindi siya nilikha “sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya” (v. 16). Ang kapangyarihan ng Diyos sa paglikha at sa paghawak sa lahat ng nilikha ay nakay Cristo. “Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya” (v. 17).
Dahil siya ay tunay na Diyos, siya ang pinakadakila sa lahat, at siyang dapat na maitanghal sa iglesyang ito at sa buhay ng bawat isa sa atin:
Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na binuhay mula sa kamatayan, upang siya'y maging pangunahin sa lahat. Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak, at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa ay ipagkasundo sa kanya. Nakamtan ang kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak na inialay sa krus. (vv. 18-20)
Si Cristo ang lahat-lahat (3:11) dahil siya ay higit sa lahat. Pansinin n’yo na ‘yan ang paulit-ulit na sinasabi ni Pablo tungkol sa sakop ng kahigitan ni Cristo: lahat, lahat, lahat, lahat, lahat, lahat. Wala nang iba sa mga nilikha ng Diyos ang hihigit sa kanya, papantay man lamang sa kanya, o makalalapit man lamang sa antas ng kadakilaan niya.

2. Ang Kasapatan ng Gawa ni Cristo para sa Lahat (1:13-14, 21-23)

At dahil si Cristo ay higit sa lahat, kaya naman sapat ang ginawa ni Cristo para sa ating lahat. This is the gospel. Christ is the good news of the gospel. “Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan” (1:13-14). Paano nangyari ‘yan? Paano napasaatin ang kaligtasang ‘yan—kung ang dati nating kalagayan ay “malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong paggawa at pag-iisip ng masasama” (1:21)? Hindi tayo ang gumawa para mailapit ang sarili natin sa Diyos. “Ngunit naging tao ang Anak ng Diyos at sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay ay ipinagkasundo kayo sa Diyos. Nang sa gayon ay maiharap niya kayong banal, walang kapintasan at walang dungis” (v. 22). Ano ang dapat nating gawin para mapasaatin ang kaligtasang ito? Hindi pagtrabahuhan, kundi tanggapin na sapat ang ginawa ni Cristo. “Subalit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag pabayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na inyong narinig” (v. 23).
This is good news. Dapat manatili tayong naka-angkla sa gospel na ‘to. Wala ni isa man sa atin ang ga-graduate sa gospel na ‘to. We need to preach the gospel to ourselves everyday. Pero meron sa inyo hanggang ngayon, baka ngayon n’yo lang narinig ang good news na ‘to. O baka yung iba madalas na ninyong narinig pero hanggang ngayon hindi ka naniniwala na si Cristo ay higit sa lahat at sapat ang kanyang ginawa para maligtas ka. Hindi mo na kailangang dagdagan ang gawa ni Cristo ng mga gawa mo na para bang kulang pa ang ginawa niya, at para bang may magagawa ka para mabayaran ang mga kasalanan mo. Believe the good news of Jesus. Trust that he is enough.

3. Ang Pakikipag-isa Natin kay Cristo (2:6-23)

At kung ikaw ay nagtitiwala sa kanya, niloob ng Diyos na ikabit ka kay Cristo (union with Christ), at lahat-lahat ng nakay Cristo at siyang dulot ng ginawa niya ay nasasaiyo rin. Kaya ipinaalala sa kanila ni Paul na wag n’yong ipamuhay ang buhay ninyo na para bang hiwalay kayo kay Cristo, na para bang wala pa sa inyo si Cristo, na para bang kulang pa si Cristo. “Yamang tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo na may pakikipag-isa sa kanya. Magpakatatag kayo at isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos” (2:6-7 MBB).
Dapat nating palaging alalahanin na dahil nakipag-isa na tayo kay Cristo (the all-supreme and all-sufficient Christ!) ay “nalubos ang inyong buhay” (v. 10). Lubos. Ganap. Puspos. Kumpleto na. Wala nang kulang. At gumagamit ang Diyos na larawan para ipaalala ang realidad na ‘to. Isa na rito yung baptism na siyang naglalarawan ng realidad na nakay Cristo na siyang katuparan ng mga anino na nasa Lumang Tipan tulad ng pagtutuli. Focus on Christ and the reality of our union with him. Ito yung “pagtutuling mula kay Cristo” — new life, new identity in Christ. Kay Cristo tayo, nakakabit tayo sa kanya. “Nalibing kayong kasama ni Cristo at muli rin kayong nabuhay na kasama niya…binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo” (vv. 12-13). Dahil kay Cristo, napasaatin ang kapatawaran ng mga kasalanan at pagtatagumpay sa lahat ng masama (vv. 13-15).
Ang halaga natin ay hindi na madedefine kung ano ang meron tayo kundi kung kanino tayo.
My worth is not in what I own Not in the strength of flesh and bone But in the costly wounds of love At the cross
My worth is not in skill or name In win or lose, in pride or shame But in the blood of Christ that flowed At the cross

Gospel Imperatives: New Life in Christ (3:1-4:6)

Kung si Cristo ang higit sa lahat, at sapat sa lahat-lahat ng kailangan natin, at ang buhay natin ay nakakabit sa kanya, at “si Cristo ang inyong buhay” (3:4), ano ngayon ang nararapat na buhay ng mga nakay Cristo? Hindi pwedeng yung dati pa rin. Bakit? Akala ko ba higit at sapat si Cristo sa lahat? If that is true, that changes everything in our life. Hindi pwedeng walang magbabago. Oo, may struggles pa rin, may kasalanan pa rin. Pero may magbabago, merong bagong pagkatao, merong bagong relasyon sa ibang tao.

1. Personal na kabanalan (3:1-14)

Meron nang bagong pag-iisip (3:1-4). “Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa” (3:1-2 MBB).
Parang maruming damit, kailangang hubarin na natin ang ating lumang pagkatao (3:5-11). “Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan” (v. 5). “Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito” (vv. 8-9).
At yung maruming damit na hinubad natin, kailangang palitan natin ng bagong damit, yung malinis na mga katangian na taglay ni Cristo. Ito yung bagong pagkatao (3:10, 12-14). “Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo” (v. 10).
Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. (vv. 12-14)

2. Maayos na relasyon sa ibang tao (3:15-4:6)

At kung taglay natin ang mga katangiang ito, hindi pwedeng hindi mababago ang relasyon natin sa ibang tao. Sa church (3:15-17), sa pamilya (3:18-21), sa trabaho (3:22-4:1), at sa mga unbelievers (4:2-6). Ang salita ng Diyos na itinuturo natin sa isa’t isa ay ang salita ng Diyos na isinasabuhay natin sa relasyon sa ibang tao, at siyang gusto nating maibahagi sa ibang tao.
Wala tayong masyadong oras para pag-aralan ang lahat ng mga exhortations dito. Pero I hope makita n’yo yung point na hindi pwedeng sinasabi nating si Cristo ang lahat-lahat sa buhay natin pero hindi naman nito binabago ang lahat-lahat sa buhay natin. The gospel changes everything (absolutely everything!) sa buhay natin. Pansinin n’yo na nakakabit kay Cristo lahat ng exhortations dito, reminding us na ang response natin sa gawa ni Cristo ay hindi para bang “ginawa na ni Cristo ang dapat niyang gawin, now it’s my turn na gawin ang dapat kong gawin.” No, futile yung efforts natin kung yung Christian life ay ia-attempt natin na gawin nang hiwalay kay Cristo.
Kaya ipinapaalala lagi ni Paul sa bawat exhortation niya yung pakikipag-isa natin kay Cristo: “Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo” (3:1); “namatay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo. Si Cristo ang inyong buhay” (vv. 3-4). “Si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa inyong lahat” (v. 11). “Kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya” (v. 12). “Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon” (v. 13). “Peace of Christ…word of Christ…in the name of the Lord Jesus” (vv. 15-17). Sa pagpapasakop sa asawang lalaki, “iyan ang naaangkop sa mga nakipag-isa sa Panginoon” (v. 18). Sa mga anak sa pagsunod sa magulang, “sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon” (v. 20). Sa trabaho, “si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo” (v. 24). Ito ang buhay Kristiyano, lahat ng ginagawa ay nakakabit kay Cristo. Dahil sabi nga ni Cristo, “for apart from me you can do nothing” (John 15:5).
Mga kapatid, siyasatin natin ang ating mga sarili. Hindi lang kung ginagawa ba natin ang ipinapagawa sa atin ng Diyos. Kundi kung ginagawa ba natin ang mga dapat nating gawin nang nakaugnay kay Cristo o nakahiwalay kay Cristo?

Conclusion: May Kulang pa ba kay Cristo? (1:24-25)

Now, hindi ibig sabihing kapag tayo ay nakaugnay kay Cristo—na siyang higit sa lahat at sapat para sa lahat—ay magiging madali na ang lahat. Balikan natin yung pang-apat dun sa tinalakay natin kanina na aspects of gospel ministry ni Paul. Bukod sa pasasalamat, pananalangin, at pagtuturo, ay mahalagang sangkap din yung paghihirap o sufferings sa ministry. Hindi naman laging madaling magpasalamat, kaya laging pinapaalala ni Paul sa kanila yung tungkol sa thanksgiving all throughout this letter (2:7; 3:15, 16, 4:2). Nakakulong si Pablo dahil sa ministry of the gospel (4:10, 18). Mahirap magpersevere sa prayer para sa church. Si Epaphras, “always struggling on your behalf in his prayers…he has worked hard for you” (4:12-13). Mahirap magtiyaga sa pagtuturo. Tulad ni Paul, “For this I toil, struggling...” (1:29). Mahirap magpatuloy at maging faithful sa ministry (1:2; 4:7, 9), kaya sinabihan ni Paul ang mga taga-Colosas na sabihan si Archippus, “See that you fulfill the ministry that you have received from the Lord” (4:17).
At itong sufferings na ‘to ay hindi usually programmed sa discipleship natin. Like may event tayo sa Friday 5PM, suffering time! Pero kasama sa discipleship program ng Diyos para sa atin, at merong mahalagang layunin to accomplish yung gospel ministry. Kaya sabi ni Paul, “Masaya ako sa mga nararanasan kong paghihirap ng katawan ko para sa inyo. Dahil dito, napupunan ko ang kulang sa mga paghihirap ni Cristo para sa iglesya na kanyang katawan” (1:24 ASD). Hmmm…napupunuan, ibig sabihin may kulang? Dapat tingnan natin ang context ng passage natin, kaya nga sa huli ko na binanggit itong verse na ‘to. Para mas maging malinaw. Walang kulang sa ginawa ni Cristo. Sapat iyon para tubusin ang lahat ng sasampalataya sa kanya, para mapatawad ang lahat ng kasalanan natin (v. 14). Ang kulang na pinupunuan ni Pablo ay ang realidad na hindi pa ito alam sa buong mundo, hindi pa ito nakakarating sa mga dapat makarinig nito. Para sa maraming tao, mystery pa rin ito. Kailangang dalhin ang balitang ito ng ginawa ni Jesus ng mga ministers niya. Heto ang misyon ni Pablo, ng mga elders ng church, at ng bawat member ng church, “to make the word of God fully known” (v. 25), para ipangaral si Cristo, “him we proclaim, warning everyone and teaching everyone” (v. 28). Pinupunan natin ang kulang sa sufferings ni Cristo sa pamamagitan ng pagdadala nito sa iba. And that means suffering for the gospel is necessary in our ministry.
Sapat si Cristo at ang kanyang ginawa sa krus para sa atin. Pero hindi natin mapapakinabangan ang lahat ng bunga ng paghihirap ni Cristo kung hindi natin maririnig ang good news of the gospel at hindi natin ito paniniwalaan deeply in our hearts. So we keep preaching the gospel to ourselves over and over and over again. Kaya paulit-ulit na itinuturo ang gospel sa church na ‘to. We sing this gospel over and over again. Kaya ito yung gospel na ituturo natin sa isa’t isa as we disciple one another. And this is the gospel that we will proclaim to the whole world. Ipagsisigawan natin sa mundo kung ano ang sinasabi rin natin sa puso natin, “Si Cristo ay higit sa lahat, at ang kanyang ginawa ay sapat para sa lahat. Kung ikaw ay nakay Cristo, nasa ‘yo na ang lahat-lahat. At kung si Cristo ay wala sa ‘yo, balewala ang lahat.”
Related Media
See more
Related Sermons
See more